^

Metro

4 na ‘Dura-dura gang’, arestado

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Apat na sinasabing miyembro ng  ‘Dura-dura gang’ ang nadakip ng mga awtoridad matapos na tangkaing biktimahin ang isang babae sa loob ng isang pampasaherong jeepney sa Pasig City, kamakalawa ng hapon.

Ang mga suspek na nakilalang sina Randy Calago, 42; Limar Zaid, 42; Marlon Cabarlis, 37; at Manny Tanco, 30; pawang residente ng Brgy. San Juan, Cainta Rizal, ay inaresto bunsod ng reklamo ng biktimang si Christine Joy de Leon, 19, ng Sto. Tomas Bukid, Brgy. Sto. Tomas ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat, sakay ng isang pampasaherong jeepney ang biktima dakong alas-4:30 ng hapon at bumibiyahe sa Ortigas Ext., Brgy. Sta. Lucia, Pasig City nang isa sa kasakay na suspect ay  dumura sa buhok ng biktima.

Kaagad naman umanong pinunasan ng biktima ang kanyang buhok ngunit pagbaba niya ng jeepney ay nadiskubreng nawawala na ang kanyang cellphone.

Humingi naman ng tulong ang biktima kay PO2 Jay Francisco, ng Intelligence Branch ng Pasig City Police, na noon ay nagpapatrulya sa lugar, na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga suspek habang lulan pa ng naturang jeepney.

Narekober naman ng pulisya ang Cherry mobile phone ng biktima mula sa mga suspek, gayundin ang isang kutsilyo mula kay Calago.

vuukle comment

BRGY

CAINTA RIZAL

CHRISTINE JOY

INTELLIGENCE BRANCH

JAY FRANCISCO

LIMAR ZAID

MANNY TANCO

MARLON CABARLIS

ORTIGAS EXT

PASIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with