P1M tinangay ng akyat-bahay
MANILA, Philippines - Aabot sa P1 milyong halaga ng ari-arian ang natangay sa 57-anyos na pharmacist matapos na looban ng mga miyembro ng Akyat-Bahay Gang ang bahay ng una sa Quezon City kamakalawa ng gabi.
Ayon kay P/Inspector Alan dela Cruz, hepe ng theft and robbery section ng QCPD, nadiskubre ang panloloob sa apartment unit ni Fe Luz Valeroso sa Brgy. Marilag, Project 4, makaraang dumating ang kanyang anak bandang alas-9 ng gabi.
Bago nito, sinasabing iniwan ni Valeroso at kanyang anak ang kanilang unit ganap na alas-7 ng umaga kung saan natuklasan na lamang nila ang pagnanakaw pagkabalik nila.
Nabatid na bubuksan sana ng mag-ina ang pintuan nang mapuna nila na sira na ang padlock nito.
Agad na pumasok ang mag-ina sa loob ng bahay, partikular sa kuwarto sa ikalawang palapag kung saan nagkalat na ang mga gamit.
Nang tingnan ng mag-ina ang cabinet kung saan nakalagay ang kanilang mga ari-arian ay nadismaya ang mga ito na makitang wala nang laman.
- Latest