600 miners lumusob sa DENR; baboy kinatay
MANILA, Philippines - May 600 miyembro ng mga magmimina sa Benguet ang lumusob sa tanggapan ng Mines and Geosciences Bureau ng Department of Environment and Natural Resources (MGB-DENR) para hilingin sa pamahalaan na bawiin ang suspension order kasunod ang aksidente, anim na buwan na ang nakakaraan.
Sa naturang protesta, dalawang malusog na baboy ang kinatay sa harap ng DENR bilang ritwal para mapatupad ang kanilang kahilingan.
“Ipinadanak namin ng dugo ng baboy sa mismong hakÂbangan ng MGB bilang petisyon upang maging malinaw ang kanilang kaisipan. Ipinahihiwatig din nito kung gaano ka-importante ang kanilang pakay, dahil mahigit sa anim na buwan simula nang atasang isara ang minahan,†sabi ni Renerio Lardizabal, pangulo ng Philex supervisory employees union.
Dagdag nito, mahigit sa 5,000 kawani ng Philex ang tinanggal sa trabaho at may 25,000 iba pang miyembro ng komunidad ang maaring ma-disenfranchised kung ang kompanya ay hindi papayagang magbukas ng operasyon. Kasama rin sa nag-protesta ang local government at barangay officials, school teachers at non-government organizations.
- Latest