^

Metro

Mega job fair handog sa anibersaryo ng Caloocan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bilang handog ni Caloocan City Mayor Enrico “Recom­” Echiverri sa mga residente ng lungsod sa pagseselebra ng ika-51 taong pagkakatatag ng siyudad ay maghahandog ang alkalde ng mega job fair na layuning mabigyan ng hanapbuhay ang mga walang trabaho.

Ayon kay Echiverri, sa darating na February 19 (Martes) ay magsasagawa ng mega job fair sa harapan ng city hall main na matatagpuan sa A. Mabini St. na sisimulan dakong alas-8:00 ng umaga at magtatapos bandang alas-4:00 ng hapon.

Sa February 27 (Miyerkules) ay magkakaroon din ng mega job fair sa city hall annex na matatagpuan sa Zapote Road, Camarin II na sisimulan at matatapos din sa parehas na oras.

Kabilang sa mga bakanteng posisyon na kaka­ila­ nganin sa mega job fair ay ang accountant; secretary; sales clerk; welder; waiter/waitress; cook; ja­nitor/ja­nitress; engineer; encoder; bagger; machine ope­rator; service crew; kitchen staff; call center agent; gra­phic artist; promodizer; automotive mechanic, stockman, factory worker, driver at domestic helper.

Hinikayat ni Mayor Echiverri ang mga residenteng naghahanap ng mapapasukang trabaho na dumalo sa gaganaping mega job fair dahil sa pamamagitan nito ay hindi na kinakailangang magtungo ng mga apli­kante sa malalayong lugar para lamang makakuha ng kanilang ikabubuhay.

AYON

BILANG

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

ECHIVERRI

HINIKAYAT

MABINI ST.

MAYOR ECHIVERRI

SA FEBRUARY

SHY

ZAPOTE ROAD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with