Isinasangkot sa masaker noong 2006… Ex-mayor ng Gapan, 3 pa arestado
MANILA, Philippines - Hawak na ng pamunuan ng Quezon City Police ang daÂting alÂkalde ng Gapan, Nueva Ecija na wanted dahil sa umano’y pagiging mastermind sa pagmaÂsaker ng lima katao noong 2006.
Ayon kay Chief Insp. Rodel Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng QCPD, inihahanda na nila ang paglilipat sa Manila Regional Trial Court Branch 8 na siyang naglabas umano ng arrest warrant laban kay Natividad at itinuring na pangatlo sa most wanted persons sa Region 3 dahil sa umano’y pagpatay sa magkapatid na Ericson at Ebertson Pascual, Jessie Pablo, Carino Saning at Dr. Juanito Reyes noong nakaraang March 20, 2006 sa may Gapan Coliseum and Cockpit Arena, Brgy. Pambuan, Gapan City, Nueva Ecija.
Sasampahan naman nila ng kasong obstructÂion of justice ang tatlong kasamahan nito na sina Julian Calixto, 56; George Lazaro, 50, at dating miyembro ng kapulisan na si Romeo de Torres, 51.
Sa ulat ni PO2 AnÂthony Tejerero ng CIDU, naaresto si Natividad ng tropa ng Police Station 10 sa pamumuno ni Supt. Marcelino Pedrozo sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Felixberto Olalia Jr., na may petsang January 25, 2012 sa kasong murder.
Nahuli si Ernesto Natividad habang nagpapa-urinalysis sa Urology Center of the Philippines sa Maginoo St., Bgy. Central sa Quezon City, ganap na alas-11 ng umaga.
Nang aarestuhin ng mga operatiba si Natividad ay humarang ang tatlong alalay nito dahilan para magkaroon ng girian at tumagal ang paglabas ng una sa ospital.
Bagamat nangyari ang insidente sa Nueva Ecija, minabuti ng pamilya ng biktima na dalhin ang kaso sa Maynila sa takot na rin na lumala pa ang sitwasyon sa Nueva Ecija.
Sa kasalukuyan, pansamantalang nakapiit ang apat sa himpilan ng CIDU habang pinro-proseso ang mga dokumento laban sa kanila.
Samantala, habang sinusulat ang balitang ito ay tiniyak ng abogado ng respondent na magÂhahain sila ng mosyon sa Manila Regional Trial Court na dumidinig sa kasong multiple murder na kinakaharap ng dating mayor.
- Latest















