^

Metro

Trader patay sa ambush

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante makaraang pagbabarilin ng hindi  pa kilalang salarin habang ang una ay sakay ng owner-type na jeepney sa lungsod Quezon kahapon ng madaling-araw.

Sa ulat ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District, nakilala ang biktimang  si Ernani Domingo Carreon, 34, may-asawa at residente sa Tatalon St., Bgy. Ugong Valen­zuela City.

Ayon kay PO2 Romeo Niño II, iniimbestigahan pa nila kung ano ang motibo ng nasabing pama­maslang gayundin ang pagkatao na nasabing salarin dahil walang nakakita sa mga ito nang mangyari ang krimen.

Sabi ni Niño, ang biktima ay natagpuan na lamang ng isang residente na walang buhay sa harap ng Diamond Villas Town na matatagpuan sa Zabarte Ext., Bgy. Kaligayahan, Novaliches, ganap na alas-4 ng madaling-araw.

Base sa testimonya ng isang testigo, nasa loob umano siya ng bahay nang makarinig siya ng mga putok ng baril sa labas ng kanyang bahay.

Dahil dito, agad na lumabas ng bahay ang testigo kung saan niya nakita ang walang buhay na katawan ng biktima sa loob ng isang owner-type jeep (PRG-547). 

Patuloy ang imbestigasyon ng CIDU sa na­sabing insidente.

 

BGY

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

DIAMOND VILLAS TOWN

ERNANI DOMINGO CARREON

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

ROMEO NI

TATALON ST.

UGONG VALEN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with