^

Metro

‘Business rivalry’ motibo ng pagpatay sa Tsinoy

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Away sa negosyo ang si­nisilip na motibo ng pulisya sa ginawang pagbaril at pagpatay sa isang negosyanteng Tsinoy sa San Juan City, no­ ong Lunes ng umaga.

Ayon kay Supt. Remus Me­­dina, hepe ng Intelligence Unit ng EPD, nakita nila sa kuha ng Closed Circuit Tele­vision na planado ang ginawang pagpatay sa biktimang si Kelvin Tan, may-ari ng KT Builders Inc., ng New Manila, Quezon City.

Sinabi ni Supt. Medina, posibleng professional ‘hired killers’ ang dalawang suspek dahil ‘fatal’ ang mga tama ng bala at tiniyak nilang patay ang biktima bago nila ito iniwang nakabulagta sa loob ng kanyang sasakyan na Toyota  Altis.

Nakita rin sa CCTV na hindi man lamang naghalug­hog ang gunman sa loob ng sasak­­yan ng biktima para ha­ na­pin ang P800,000 na winithdraw nito sa sangay ng China bank sa Ortigas Avenue, Greenhills, San Juan.

Sa CCTV footage, nakita ang gunman na nakasuot ng kulay violet na colored long-sleeve na barong na naglalakad at nasalubong pa nito ang biktima habang naglala­kad din pabalik ng kanyang sa­sakyan.

Bahagyang lumampas ang  suspek sa biktima at biglang bumalik ito saka sinundan ang negosyante pabalik sa kanyang kotse. Pagkaupo ng biktima sa kanyang sasakyan ay saka ito pinagbabaril at nang matiyak na patay na ito ay tumawid ng kalsada at umang­ kas sa kanyang kasama na sakay ng motorsiklo at mabilis na tumakas.

BUILDERS INC

CLOSED CIRCUIT TELE

INTELLIGENCE UNIT

KELVIN TAN

NEW MANILA

ORTIGAS AVENUE

QUEZON CITY

REMUS ME

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with