MANILA, Philippines - Labing-dalawang teÂnants ng isang apartment ang naÂsugatan nang sumabog sa ikalawang palapag ang umano’y may singaw na liqueÂfied petroleum gas (LPG), kamakalawa ng gabi sa Sta. Mesa, Maynila.
Isinugod sa Sta. Ana Hospital sina Federico Labao Jr., 32; Francisco Escorma, 39; Rose Marie Nieto, 9; Joan Cañada, 40-anyos na buntis; Nilo Cañada, 49; Gerald Baguio, 33, na may pinaka-grabeng lapnos sa katawan; Ferdinand Funtado, 44 at Michael Jara, 33.
Dinala naman sa Unciano Hospital sina Coleen Kabalatungan, 36; Cedric Labao, 2, na may sugat sa ulo at braso; Uldarico Kabalatungan na tinamaan sa paa at braso; at John Ervic Ednilan, 1, na tinatahi ngayon ang ulo dahil sa pagkabiyak at ama nitong si Joel Ednilan, na nagtamo rin ng sugat.
Dakong alas-8:30 ng gabi nitong Miyerkules nang maganap ang pagsabog, matapos umanong magluto sa LPG ang nakatira sa ikaÂlawang palapag.
Sinabi ni Joel Ednilan na nasa ikatlong palapag sila at naapektuhan lamang ng pagsabog mula sa ikalawang palapag at dahil sa lakas ng pagsabog ay nag-collapse ito at nabutas pa ang kongkretong pader na nakaapekto rin sa ground floor.