^

Metro

16 sugatan sa salpukan ng 2 bus

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labing anim na pasahero ang nasugatan nang magsalpukan ang dalawang pampasaherong bus sa kahabaan ng EDSA tapat­ ng Farmers Plaza, Araneta Center, Cubao­, Quezon City kama­kalawa ng gabi.

Nilalapatan ng lunas sa East Avenue Medical Center ang mga nasugatang pasahero na kinilalang sina Anna Marie Paraiso ng Samal Bataan, Jessica Caguia Pito ng Valen­zuela City, Marvi Veronce ng Bulacan, May Villaflor ng Bulacan, Manuel Bote ng Masambong, Quezon City; Maribeth Belleza ng Ma­labon City, Estacy Courtney ng Bulacan, Dennis Angela Salazar ng Caloocan City, Catherine Andres ng Bulacan, Manuel Maestro ng  Culiat, Quezon City; Charlie  Magi ng  Ma­labon City, Jacky Chan de Luna ng Valenzuela City, Laila Sanderac ng Quezon City, David Manlapig ng Marikina City  at John Raniel Isidro ng Marikina City.

Batay sa isinumiteng  report ni Emy Valderama ng Quezon City District Traffic sector 3, nangyari ang insi­dente pasado alas-11:00 kamakalawa ng gabi sa kahabaan ng Edsa sa tapat ng Farmers Plaza sa Cubao  ng magkasalpukan ang  Star Bus TXC-764 na minamaneho ni Michael Regalario at  RBM Bus TXX-740 na minamaneho naman ni Dominador Usita.

Ayon kay Regalario, nawalan ng preno ang minamaneho niyang bus dahilan upang tumbukin ang likurang bahagi ng RBM bus na noo’y nagbababa ng pasahero.

Sinabi naman ni PO3 Perlito Datu, traffic investigator, nahaharap sa patung-patong na kasong reckless imprudence resulting in damage­ to property and multiple physical injuries ang kakaharapin ni Regalario.

ANNA MARIE PARAISO

ARANETA CENTER

BULACAN

CITY

FARMERS PLAZA

MARIKINA CITY

QUEZON CITY

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with