^

Metro

Caretaker utas sa kasamahan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang warehouse caretaker makaraang pagsa­saksakin ng kanyang kasamahan matapos magkakulitan habang nag-iinuman, kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.

Nakilala ang biktima na si Allan Clemente, stay-in sa bodega sa Promax warehouse na nasa No. 2242-B F.B Harrison St., ng naturang lungsod.

Agad namang sumuko ang suspek na si Mario Espiritu, 45, warehouse houseman, at kasamahan ng nasawi.

Sa ulat ng Pasay Police, naganap ang krimen dakong- 1:25 ng madaling araw sa tapat ng barracks sa parking lot ng Promax warehouse.

Nabatid na unang nag-inuman ang biktima at suspek kasama pa ang ka-trabaho na si Ernie Nicolas, 37, nang magtalo ang mga ito dahil sa isang biro na hindi nagustuhan.

Dito iniwanan ni Ernie ang dalawa nang mag-umpisa nang magkainitan. Dinampot ng suspek ang patalim sa ibabaw ng kanilang mesa at paulit-ulit na inundayan ng saksak ang kainuman.

Agad naman sumuko ang suspek sa mga opisyal ng ba­rangay na nagdala sa kanya sa himpilan ng pulisya. Nahaharap ito ngayon sa  kasong homicide.

vuukle comment

ALLAN CLEMENTE

B F

B HARRISON ST.

DINAMPOT

ERNIE NICOLAS

MARIO ESPIRITU

PASAY CITY

PASAY POLICE

PROMAX

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with