^

Metro

Panglimang suspect sa Nicole case, pinalaya

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pansamantalang pinalaya ang inarestong kapitbahay ng pamilya Ella na sinasabing nagpaputok ng baril noong Bagong Taon sa Caloocan City.

Ayon kay  Supt. Jack Candelario, tagapagsalita ng Caloocan City police na nakalaya na ang inarestong si Grene “George” Da matapos ipag- utos ng Caloocan Prosecutors Office na release for further investigation si Da para sa kasong illegal possession of live ammunitions.

Matatandaang,  noong Enero 10 nang damputin si Da matapos ituro ng isa sa kanyang mga kapitbahay na nagpaputok ng kalibre 45 na baril noong Bagong Taon kung saan sa pamamagitan ng search warrant ay nakita sa bahay ni Da ang isang 9mm at anim na bala ng kalibre .45 at isang fired bullet ng .45 dahilan upang sampahan siya ng kasong illegal possession of ammunitions.

Samantala, sinabi pa ni Candelario na hinihintay pa rin nila ang resulta ng ballistic­ examination at cross matching sa narekober na fired bullet at basyo ng kalibre .45 at kung magpopositibo sa pagsusuri ng Philippine National Police-Scene of the Crime Ope­rations ang basyo at fired bullet ng kalibre .45 ay aarestuhin nilang muli si Da.

 

AYON

BAGONG TAON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN PROSECUTORS OFFICE

CANDELARIO

ELLA

ENERO

JACK CANDELARIO

MATATANDAANG

PHILIPPINE NATIONAL POLICE-SCENE OF THE CRIME OPE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with