^

Metro

Electrician kritikal sa holdaper na tandem

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Agaw-buhay ang isang electrician matapos pagbabarilin ng isa sa dalawang holdaper na  tandem sa Caloocan City kahapon.

Inoobserbahan sa Manila Central University Hospital sanhi ng mga tama ng bala sa katawan ang biktimang si Solomon Llumba, 46, ng Posadas St., Punta, Santa Ana, Manila.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong alas-6:45 ng umaga, habang naglalakad ang biktima sa kahabaan ng  Ignacio St., nang tabihan ito ng mga suspek.

Bumaba ang isa sa mga suspek sabay tutok ng baril at nagpahayag ng holdap.

Nang kukunin na ng suspek ang kuwintas ng biktima ay nanlaban ang huli na naging dahilan upang putukan ito.

Matapos ang insidente ay tumakas na ang mga suspek, gayunman hindi natangay ang kuwintas ng biktima habang dinala naman ang huli sa  nabanggit na ospital.

 

vuukle comment

AGAW

BUMABA

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

IGNACIO ST.

INOOBSERBAHAN

MANILA CENTRAL UNIVERSITY HOSPITAL

POSADAS ST.

SANTA ANA

SOLOMON LLUMBA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with