Disiplina paiiralin ng metered parking
MANILA, Philippines - Naniniwala si Manila Traffic and Parking Bureau chief Nancy Villanueva na mas magkakaroon ng disiplina ang mga magpa-park ng kanilang sasakyan sa pagpapatupad ng metered parking sa lungsod ng Maynila.
Ayon kay Villanueva, waÂlang palakasan na mangyayari dahil ang lahat ng nais na pumarada sa isang lugar ay kailangan na magbayad ng P20.
Hindi na rin puwede ang double parking at pagbalagbag ng sasakyan.
Noong Biyernes ay ipinatupad na ang metered parking kung saan siniÂmulan ito sa Escolta at Ongpin na nasasakupan ng ikatlong distrito ng lungsod.
Ito’y matapos na makiÂpagkasundo si Manila MaÂyor Alfredo Lim sa Manila Parking Management (Mapma) kung saan nilagay ang 340 parking meters On Street Parking project sa Binondo.
Giit ni Lim, paraan ito upang maibsan ang trapik sa lugar kung saan nagkakaroon ng double parking na nagreresulta naman sa pagkakabuhul-buhol ng trapiko.
Tiniyak din ni Villanueva na hindi mawawalan ng trabaho ang mga parking attendant na nakatalaga dito dahil nasa kanila pa rin ang enforcement.
- Latest