^

Metro

P11.9-M halaga ng bawal na firecrackers nasamsam — PNP

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Umaabot na sa P11.9 milyong halaga ng ipinagbabawal na fire­crackers at pyrotechnics ang nasamsam ng mga operatiba ng pulisya sa serye ng crackdown sa buong bansa.

Ayon kay PNP spokesman P/Chief Supt. Generoso Cerbo, ang nasabing halaga ay inaasahang tataas pa ka­ugnay ng pagsalubong sa Bagong Taon dahil karaniwan nang hanggang Enero 2 ay marami pa rin ang matitigas ang ulo at mga pasaway na gumagamit ng mga bawal na paputok.

Samantala, inaasahang magbabagsak ang presyo ang mga ipinagbabawal na paputok at pyrotechnics, ilang oras bago ang pagsalubong sa 2013.

Ang malaking halaga ng nakum­piskang mga bawal na paputok ay simula nang ilunsad ni PNP Chief Director General Alan Purisima ang ma­lawakang crackdown kontra sa mga illegal na paputok upang mabawasan ang mga biktima nito.

Kumpiyansa rin ang opisyal na walang pulis na masasangkot sa indiscriminate firing matapos na selyuhan na ang dulo ng mga baril ng mga pulis.

Una nang nagbabala si Purisima na sisibakin niya at titiyaking hindi na makakabalik pa sa serbisyo ang mga pulis na masasangkot sa indiscriminate firing sa pagsalubong sa Bagong Taon.

Sakaling hindi naman mapipigilan ng mga Pinoy na gumamit ng illegal na paputok ay dapat na bumili ng mga paputok na may label at legal ang pagbebenta.

Sa kasalukuyan, ay nasa heightened alert pa rin ang pulisya sa Luzon at Visayas habang full alert naman sa Mindanao Region kaugnay sa pagsalubong sa Bagong Taon.

AYON

BAGONG TAON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF SUPT

ENERO

GENEROSO CERBO

KUMPIYANSA

LUZON

MINDANAO REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with