^

Metro

Babaeng police asset, itinumba

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Utas ang isang ba­baeng police asset  matapos itong barilin ng tatlong beses sa ulo ng hindi kilalang suspek habang ang biktima ay naglalaba,  kamakalawa ng gabi sa Pasay City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si  Charline Mae Gigantoca  “alyas Jaja”, 27, ng Sitio Maligaya St., Brgy.  Bac­laran, Parañaque City.

Batay sa isinagawang imbestigasyon, naganap ang insidente  dakong alas-7:30 ng gabi sa Bagong Cuneta St., Pasay City.

Nabatid na  kasalu­kuyang naglalaba ang bik­tima kasama ang kan­yang kaibigan na si Iglesirio Murillo sa na­turang lugar nang biglang sumulpot ang armadong suspect at tatlong beses na binaril sa ulo ang una.

Natulala na lamang si Murillo sa insidente  dahil sa biglaang pangyayari.

Patuloy na ini­imbesti­gahan ang nasabing kaso at inaalam ng pu­lisya kung may kina­laman ito sa trabaho ng biktima bilang police asset.

vuukle comment

BAGONG CUNETA ST.

BATAY

BRGY

CHARLINE MAE GIGANTOCA

IGLESIRIO MURILLO

JAJA

PASAY CITY

SHY

SITIO MALIGAYA ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with