^

Metro

2 trader nagbarilan: 1 patay, 1 sugatan

Doris Franche-Borja at Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sabog ang mukha ng isang negosyante  ma­tapos na makipagbarilan sa isa pang  ne­gosyante kahapon ng tanghali sa Tondo, Maynila.

Hindi na umabot pa sa Mary Johnston Hospital si Armando Tudla, ng Gerona St., Tondo habang nasa malubhang kalagayan naman ang nakaba­rilan nitong si Christopher Roxas, 32, ng nabanggit ding lugar.

Sa inisyal report ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong alas-12 ng tanghali sa kahabaan ng Gerona St., sa Tondo.

Naglalakad umano si Tudla nang maka­salubong nito si Roxas at nagkomprontahan, hindi nagtagal kapwa naglabas ng baril at nagbarilan.

Posible umanong may dati nang alitan ang dalawa at ipinasyang tapusin na sa pama­magitan ng  dwelo.

Halos magkasabay na nagpaputok ng baril ang dalawa at tinamaan sa mukha si Tudla, habang sa kaliwang tagilirang katawan naman tinamaan si Roxas at nagawa pang makatakbo papalayo.

Kapwa isinugod ang dalawa sa magkahiwalay na ospital, subalit hindi na umabot ng buhay si Tudla, habang patuloy namang inoobserbahan sa Jose Reyes Memorial Medical Center si Roxas.

vuukle comment

ARMANDO TUDLA

CHRISTOPHER ROXAS

GERONA ST.

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

KAPWA

MARY JOHNSTON HOSPITAL

MAYNILA

NAGLALAKAD

ROXAS

TUDLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with