^

Metro

Kelot na gumagamit sa mga menor sa droga, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang lalaki nang tangkain nitong utusang   bumili ng droga at  tangayin ang anim na totoy sa Caloocan City kamakalawa ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Patrick Ko, 38,  ng Reyes Compound, Brgy.  Marulas, Valenzuela City.

Sa ulat ng Caloocan City Police, dakong  alas-3:00  ng hapon, nilapitan ng suspek ang mga naglalarong biktima  na may edad 11 hanggang 15 sa Malonzo St., at naglabas ng P200 at inutusan nito ang mga biktima  na bumili  ng shabu.

Hindi tinanggap ng mga biktima  ang P200 ng suspek na naasar at sinabihan ang mga bata na sumama sa kanya.

Natakot ang mga biktima  at nagtakbuhan habang sumi­sigaw na nakatawag ng pansin sa ama ng isa sa mga ito na naging dahilan upang tumawag ng mga barangay tanod.

Hindi na nakapalag ang suspek nang paikutan ng mga tanod at ilang residente bago dinala sa presinto ang nabanggit na suspek.

ARESTADO

BRGY

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY POLICE

MALONZO ST.

PATRICK KO

REYES COMPOUND

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with