^

Metro

Nagbunyag ng shabu recycling, inayawan ng whistleblower group

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Hindi suportado ng Whistleblower Association si SPO3 Alexander Saez, ang nag-akusa sa mga taga-Taguig Police na nagre-recycle umano ng droga para ibenta dahil sa may halo umanong pulitika.

Ayon kay Whistleblower Association president Sandra Cam, lumapit sa kanila si SPO3 Saez subalit na­laman nilang may kinalaman ang ilang politiko sa ginawa nitong­ paglalantad.

“Can’t really say that we support him kasi medyo na­alangan kami dahil nalaman namin na nasa likod ay kampo­ ng politiko.  Ayaw naming pagamit sa pulitika,” sabi ni Cam ng hingan ng reaksyon sa paglantad ni Saez.

Sa panig naman ng NBI, pinaliwanag  ni NBI Anti Graft Division Acting Chief Renoir Bal­dovino na “misquoted” ito sa lumabas sa isang pa­hayagan na nagsasabing walang nakikitang posibleng personalidad o pulitiko na nasa likod ng naging pagbubunyag ni Saez.

Ani Baldovino wala siyang sinabing ganun dahil lubhang maaga pa umano na sabihin na walang pulitika sa alegasyon o taong nasa likod ni Saez lalo umano at nasa inisyal pa lamang ang kanilang imbestigasyon.

Aminado rin ang NBI na wala pa silang nakikitang sapat na ebidensya na magdidiin sa mga pulis Taguig sa pangunguna ni Senior Supt. Tomas Apolinario at siyam na iba pa dahil na rin sa kabiguan ni Saez na magsumite ng mga dokumento o ebidensyang magpapatibay sa kanyang akusasyon.  

Bukod dito ay nabigo rin umano si Saez na dumalo sa imbestigayon nang imbitahan ito ng ahensya.

Matatandaan na una nang sinabi ni Apolinario na malinaw na paninira lamang sa Taguig ang motibo sa akusasyon ni Saez. 

Aniya, sa loob ng dalawang taon ay naging ma­tagumpay ang Taguig Police sa paglaban kontra sa droga kung saan patunay dito ang ilang pagkilala na ginawad sa Taguig Police dahil sa dami ng nakumpiskang droga at pagkakadakip sa mga bigtime drug pusher.

Kaugnay nito, sinabi naman ni Justice Secretary Leila de Lima na wala pa sa Witness Protection Program si Saez.

Bagamat nagpahayag si Saez ng intensyon na mapabilang sa protection program ng ahensya, nabatid na kailangan umanong ma­tapos muna ang imbes­tigas­yon ng NCRPO at NBI bago mapag-aralan kung posible itong makapasok sa WPP.

ALEXANDER SAEZ

ANI BALDOVINO

ANTI GRAFT DIVISION ACTING CHIEF RENOIR BAL

JUSTICE SECRETARY LEILA

SAEZ

SANDRA CAM

SHY

TAGUIG POLICE

WHISTLEBLOWER ASSOCIATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with