^

Metro

224 bagong pulis kailangan ng NCRPO

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Makaraan ang sunud-sunod  na pagpapasibak sa mga ‘scalawags’, na­ngangailangan naman ngayon ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) ng 224 mga bagong ta­uhan para pumuno sa mga posisyon na ba­kante pa ngayong 2012.

Sinabi ni NCRPO Director, Chief Supt. Leo­nardo Espina na hindi pa rin napupunan ang “supplemental quota” para sa kasalukuyang taon.  Nasa 100 bagong pulis ang itatalaga sa NCRPO at 124 naman sa iba’t ibang istasyon.

Nagbuo na rin ang NCRPO ng “city at muni­cipal ad hoc screening committees” na magpo-proseso ng “mandatory minimum requirements” at iba pang dokumento na isusumite ng mga aplikante.

Sinabi ni Espina na nais nilang makamit ang tamang “police-to-popu­lation ratio” at upang madagdagan ang bilang ng mga pulis na rumo­ronda sa kalsada.

Bukas ang posisyon para sa PO1 sa mga kuwalipikadong lalaki at babae na may Filipino citizenship, hindi bababa sa edad na 21 at hindi hihigit sa 30-anyos, may hawak ng anumang “Baccalaureate Degree” at may “good moral cha­racter”.  Kailangan din na may sapat na “eligibi­lities” ang mga aplikante buhat sa National Police Commission (NAPOLCOM), Professional Regulatory Commission (PRC) at Civil Service Commission (CSC).

BACCALAUREATE DEGREE

CHIEF SUPT

CIVIL SERVICE COMMISSION

ESPINA

NATIONAL CAPITAL REGIONAL POLICE OFFICE

NATIONAL POLICE COMMISSION

PROFESSIONAL REGULATORY COMMISSION

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with