^

Metro

Bading na ‘Ativan’, timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang bading na pinaniniwala­ang miyembro ng ‘Ativan­ gang’ matapos itong mam­biktima ng isang binata sa pamamagitan ng social networking ka­hapon ng umaga sa Pasay City.

Kinilala ang suspek na si Palermo Binondo, alyas George, 43, residente ng Filrites Avenue, Remavelle Subdivision, Las Piñas City.

Nakumpiska mula sa suspek ang apat na bote ng Tanduay Ice, 20 piraso ng condom, mga tabletang pampatulog at iba’t ibang uri ng droga na ginagamit nito sa pambibiktima.

Kinilala naman ang biktima nito na si Andrew Saluta, 22, binata, taga- Barrio Obrero, Tondo, Maynila.

Ayon sa imbestigas­yon ng Pasay City Police, dakong alas-7:45 ng umaga nadakip ng mga pulis ang suspek na si Binondo sa harap ng isang fastfood, sa may Sunset Drive sa isang mall sa nabanggit na siyu­dad matapos nitong biktimahin si Saluta sa pamamagitan ng social networking at niyaya nito ang biktima sa Longwood Hotel, sa F.B. Harrison ng naturang siyudad.

Nabatid na pinainom ng suspek ang biktima ng Tanduay Ice na may halong  droga hanggang sa nawalan ito ng malay.

Tinangay ng suspek ang mahahalagang kaga­mitan ng biktima, tulad ng laptop at mga pera.

Matapos ang insi­dente ay nagtungo ang biktima sa Pasay City Police, na nagresulta sa pagkakadakip sa nabanggit na suspek.

vuukle comment

ANDREW SALUTA

BARRIO OBRERO

FILRITES AVENUE

KINILALA

LAS PI

LONGWOOD HOTEL

PALERMO BINONDO

PASAY CITY POLICE

SHY

TANDUAY ICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with