^

Metro

Nasamsam na billboard/tarpaulin ng MMDA, ibibigay sa Pablo victims

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
This content was originally published by Pilipino Star Ngayon following its editorial guidelines. Philstar.com hosts its content but has no editorial control over it.

MANILA, Philippines - Isang trak na puno ng mga nakumpiskang billboard/tarpaulin ang ipadadala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa mga lalawigang tinamaan ng bagyong Pablo upang maging pansamantalang tent ng mga pamilyang nawalan ng tahanan.

Ang naturang mga tar­paulin ay ang mga nakumpiska ng MMDA sa kasagsagan ng kanilang kampanya na “Baklas Billboard”. Ipadadala ang mga ito sa mga bayan ng New Bataan sa Compostela Valley at Cateel, Davao Oriental.

 Dahil sa naglalaki­han ang naturang mga tarpaulin, maaari itong hati-hatiin upang magkasya para sa mga evacuees. 

Sinabi ni MMDA Chairman Francis Tolentino na nabubulok lamang ang naturang mga tarpaulin sa kanilang mga bodega at nararapat na mapakinaba­ngan bilang tent ng mga biktima hanggang hindi tuluyang nagkakaroon ng panibagong tahanan.

Matatandaan na una nang nagpadala ang MMDA ng kanilang search and rescue teams  para tumulong sa paghahanap ng mga nawa­walang biktima at 2 unit ng water purifier para magbigay ng maiinom na tubig sa mga bayang sinalanta ng bagyo.

 

BAKLAS BILLBOARD

CATEEL

CHAIRMAN FRANCIS TOLENTINO

COMPOSTELA VALLEY

DAHIL

DAVAO ORIENTAL

IPADADALA

METROPOLITAN MANILA DEVELOPMENT AUTHORITY

NEW BATAAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with