^

Metro

Electrician kinatay ng kainuman

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang electrician ang nasawi nang pagtulungang saksakin ng kanyang dalawang kainuman kahapon ng madaling-araw sa Caloocan City.

Dead-on-the-spot sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang si Reynaldo Olaybar, 47, ng Bagong Barrio ng lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang mga suspek na  sina Joseph Padilla, 55; at Richard Bacunaoa, 30, kapwa kalugar ng biktima.

Lumalabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, naganap ang insidente dakong ala-1:00 ng mada­ling-araw malapit sa bahay ng biktima. 

Nabatid na nakikipag-inuman ang biktima sa mga suspek, nang magkaroon ng pagtatalo.

Nagkampihan ang mga suspek at walang salitang nagbunot ng patalim ang mga ito hanggang sa pinagtulungang saksakin ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. Matapos ang insidente ay tumakas ang mga suspek.

 

 

vuukle comment

BAGONG BARRIO

CALOOCAN CITY

ISANG

JOSEPH PADILLA

LUMALABAS

MATAPOS

REYNALDO OLAYBAR

RICHARD BACUNAOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with