^

Metro

Kelot nag-suicide dahil sa problema sa pera

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Problemang pinansiyal ang itinuturong dahilan kung bakit nagawa ng isang miyembro ng Barangay Security Force (BSF) na magpakamatay sa pamamagitan nang pagbibigti sa loob ng kanyang inuupahang apartment sa Pasig City kahapon ng madaling-araw. Ang bangkay ng biktimang si Paulito Reyes, 42, residente ng Dr. Sixto Antonio Avenue, Brgy. Rosario, Pasig City, ay nadiskubre mismo ng kanyang live-in partner na si Pamela Paradillo, 36, dakong alas-4:15 ng madaling-araw.

Sa ulat ni PO3 Al Alvarez, nabatid na huling nakitang buhay ang biktima dakong alas-10:00 ng gabi kamakalawa habang nakikipag-inuman sa kanyang kapatid na si Enrico Reyes at mga kapitbahay sa harapan ng isang sari-sari store. Dito umano naidaing ng biktima sa kanyang mga kainuman ang kanyang kinakaharap na problemang pinansiyal. Inihabilin pa umano ng biktima sa kanyang kapatid na alagaan ang kanyang anak na lalaki. Nang maubos ang  alak ay nagkani-kanya na umanong umuwi ang mga nag-iinuman at laking gulat na lang ng mga ito nang mabalitang natagpuang nagpakamatay ang biktima gamit ang isang kurtina. Naniniwala naman ang pamilya ng biktima na ang mga problemang kinakaharap nito ang siyang nagtulak sa kanya upang magpatiwakal.

vuukle comment

AL ALVAREZ

BARANGAY SECURITY FORCE

BRGY

DITO

DR. SIXTO ANTONIO AVENUE

ENRICO REYES

KANYANG

PAMELA PARADILLO

PASIG CITY

PAULITO REYES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with