^

Metro

11-anyos na anak ng pulis, sugatan sa parak

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan ang isang 11-anyos na batang lalaki na anak ng pulis nang walang habas na magpaputok ng baril ang isang lasing na pulis sa Tondo, Maynila.

Naghain ng pormal na reklamo kahapon sa MPD-General Assignment Section (MPD-GAS) ang biktimang si John Michael Agao. 11-anyos, elementary student at residente ng  Perla St., Tondo, Maynila, kasama ng ina na si Cristina Agao, 41, laban sa suspect na si PO1 Allan Ruiz, ng nabanggit ding lugar.

Nabatid  na ang biktima ay anak ng pulis-Maynila na si SPO3 Agao na nakatalaga sa MPD-station 9.

Sa ulat, naganap ang insidente nitong nakalipas na Sabado, dakong alas-4:00 ng hapon, sa Perla St., Tondo.

Sa salaysay ng ina ng biktima. nakita niyang lasing na naglalakad ang suspect na si PO1 Ruiz at hawak ang baril na nagpapaputok  na nakatutok sa kalsada at nakasalubong nito ang naglalakad na si John Michael.

Sa kuwento ng biktima, hindi niya alam na may nag­paputok ng baril at inakalang firecrackers lamang su­balit nang makalagpas na sa nasabing lugar, nakita niyang may tumutulong dugo sa ka­niyang kanang hita kaya agad siyang dinala sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC).

Nakalap sa lugar ng pinangyarihan ang isang live ammunition mula sa 9mm kalibreng baril at 6 pang empty shells.

Nang puntahan sa bahay ang suspect ay wala na ito doon, na pinaniniwalaang nagtatago.

Ayon kay Cristina, sa­sam­pahan ng kasong kri­minal ang suspect dahil na­­be­ripika nila na ‘drop from the rolls’ na ang suspect kaya hindi na makakasuhan ng administratibo.

vuukle comment

AGAO

ALLAN RUIZ

CRISTINA AGAO

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JOHN MICHAEL

JOHN MICHAEL AGAO

JOSE REYES MEMORIAL MEDICAL CENTER

MAYNILA

PERLA ST.

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with