‘Hero’s welcome’ kay Pacquiao, inihahanda ng Maynila

MANILA, Philippines - Hindi mabubura ang na­italang mga panalo at karangalan para sa mga Pinoy  kahit pa natalo sa huling laban ang Pambansang Ka­mao Manny Pacquiao kay Juan Manuel Marquez  kaya handa pa rin ang Manila City government na bigyan ito ng ‘Hero’s welcome’ para sa kanyang pag-uwi bukas, Miyerkules.

Ayon kay Manila Mayor Alfredo Lim, kahit natalo ay nananatili pa rin ang respeto ng mga Manilenyo kay Pacquiao.

“Pero kami ah, maghahanda kami ng pang-welcome for Pacquiao. Maglalagay kami ng mga streamer, ilalagay namin: ‘Manny Pacquiao, ikaw pa rin ang aming idolo at kampiyon, mabuhay ka!’” ayon pa sa alkalde.

“Sobra-sobrang karangalan ang naibigay niya sa ating bansa eh. Kaya we should treasure that honor given to us by Manny. Tayo naman, we have to reciprocate the esteem and respect sa kanya,” aniya pa.

 

Show comments