^

Metro

Nagbenta ng ‘hot car’ huli

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang isang 46-anyos na lalaki sa ak­­tong nagbebenta ng carnapped vehicle, sa isinagawang entrapment operation, sa Sam­ paloc, May­nila iniulat kahapon.

Kinilala ni P/Chief Insp. Rizalino Hernandez, hepe ng Manila Po­lice District-Anti-Car­napping Unit (MPD-ANCAR) ang dinakip na si Romeo Bulaong, residente ng Marcosin St., Brgy., Gulod Novaliches Quezon City.

Ang pagkaka-aresto dito ay bunsod ng natanggap na impormas­yon ng pulisya hinggil sa umano’y nagbebenta ng sasakyan na Mitsu­bishi Adventure (PIF-897), na kulay pula sa halagang P90-libo lamang.

Ayon sa ulat, dakong alas-2:30 ng ha­ pon noong nakaraang Dis­yembre 6 (Huwebes) nang isagawa ang ope­ rasyon sa Blu­mentritt Extension, Sam­ paloc Maynila.

Nang iberipika ang rekord ng plate number sa Highway Patrol Group (HPG) ay nadiskubreng kabilang ito sa iniulat na nakarnap, noong Agosto 22.

Dahil dito, agad na isinagawa ang operas­yon sa pamumuno nina P/Sr., Insp. Rosalino Ibay Jr., at mga tauhang sina PO3 John Allan Badilla, PO2 Javier Pederio, PO2 Marvin Dela Cruz at PO2 Arnel Villanueva.

Nang makipagtransaksiyon ang nagpanggap na buyer ng sasak­yan kay Bulaong ay hi­­nanapan siya ng papeles ng ibinebentang sasakyan subalit bigo ito kaya siya inaresto.

ARNEL VILLANUEVA

CHIEF INSP

GULOD NOVALICHES QUEZON CITY

HIGHWAY PATROL GROUP

JAVIER PEDERIO

JOHN ALLAN BADILLA

MANILA PO

MARCOSIN ST.

MARVIN DELA CRUZ

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with