^

Metro

Pinagselosang tomboy, kritikal sa saksak

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang tomboy ang pi­nagsasaksak at nasugatan ng lalaking naagawan ng syota sa Navotas City kamakalawa.

Nasa kritikal na kon­disyon at inoobserbahan sa Tondo Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan ang biktimang  si Rachelle Anne Lopez, 27,  ng F. Cruz St., Brgy.  Tangos ng lungsod na nabanggit.

Nakakulong naman ang suspek na  si Edwin Troyo, 38, ng Block 6, Brgy. San Jose ng nabanggit na lungsod.

Batay sa ulat ng Navotas City Police, dakong alas-4:00 ng hapon, kasama ng biktima ang nobyang si Ashelle Anne Panganiban na dating nobya ng suspek habang naniningil ng pautang sa Bagong Silang St., Brgy.  San Jose ng lungsod na ito.

Biglang nilapitan ang biktima ng suspek at walang salitang pinagsa­saksak ang naturang  tomboy.

Matapos ang insi­dente ay dinala ang biktima sa nabanggit na ospital habang nadakip naman ang suspek kung saan lumalabas na nagalit ang huli dahil na­agaw ng una si Panganiban.

 

vuukle comment

ASHELLE ANNE PANGANIBAN

BAGONG SILANG ST.

BRGY

CRUZ ST.

EDWIN TROYO

NAVOTAS CITY

NAVOTAS CITY POLICE

RACHELLE ANNE LOPEZ

SAN JOSE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with