^

Metro

12-anyos na nene patay sa adik

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang 12-anyos na nene ang napatay sa saksak ng adik niyang kapitbahay na napatay din naman ng mga tauhan ng Quezon City Police matapos na magtangkang mang-agaw ng baril makaraang maaresto kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.

Kinilala  ang  biktima na si Percy delos Santos, grade 6  pupil  at nakatira  sa Brgy. Bahay Toro, Quezon City. Ang bata ay idineklarang dead-on-arrival makaraang isugod sa Veterans Memorial Medical Center (VMMC) dahil  sa tinamong mga saksak sa likod.

Nakilala naman ang napatay ding suspect na si Ruel Habal, 21, kapitbahay ng biktima.

Sa report ng QC Police District-Talipapa  Station 3 (QCPD-PS3), naganap ang insidente dakong alas-11:00 ng gabi sa may Cattleya St., Brgy. Bahay Toro habang ang biktima kasama ang kapatid na lalaki ay naglalakad sa naturang lugar nang biglang sumulpot ang nagwawalang suspect na lango sa ipinagbabawal na gamot buhat sa kanilang likuran.

Walang sabi-sabing pinagsasaksak ng suspect sa likod ang batang babae saka nagtangkang tumakas pero agad namang naaresto ng mga ru­mespondeng pulis.

Habang lulan sa mobile car ay tinangka nitong agawin ang baril ng isa sa umarestong pulis dahilan upang ito ay mabaril at mapatay.

 

BAHAY TORO

BRGY

CATTLEYA ST.

HABANG

POLICE DISTRICT-TALIPAPA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE

RUEL HABAL

VETERANS MEMORIAL MEDICAL CENTER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with