^

Metro

Karnaper arestado

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isa na namang notoryus na karnaper ang nadakma ng pulisya sa isinagawang operasyon sa Las Piñas City, kamakalawa.

Pormal na kinasuhan ng puisya ang suspek na si Dale Alimagno, 24, ng #18 Everlasting St. Vergonville Subdivision, Pulang Lupa 2.

Ayon kay P/Senior Supt. Romulo Sapitula, si Alimagno ay nadakma ng mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section ng pulisya sa pa­ngunguna ni P/Senior Insp. Arnold Alabastro matapos isilbi ang warrant of arrest na inilabas ni Las Piñas City Regional Trial Court Judge Emily Reyes ng Branch 255.

May nakabimbin ding kaso ng carnapping si Ali­magno sa Branch 18 ng Tagaytay City RTC at sa Pasig RTC  Branch 143.

Nabatid din na si Ali­magno ay una nang na­dakip noong 2011, kasama ang isang Glen del Castillo matapos inguso na sangkot sa pagkarnap sa mga sasakyan nina ex-Ambassador Roberto Romulo at ama ng aktor na si Derek Ramsey.

Sa interogasyon ng pulisya, itinuro ng dalawa si Ivan Padilla, sinasabi na kanilang lider sa sindikato.

Isang linggo matapos madakip sina Alimagno at Del Castillo, napatay naman ng mga tauhan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Padilla matapos na manlaban habang naka­laya naman si Alimagno matapos makapagpiyansa.

Si Alimagno ay isasailalim sa medical examination bago dalhin sa himpilan ng pulisya kung saan hinihintay pa ang commitment order ng korte na magpapasiya kung saan dapat makulong ang suspek.

vuukle comment

ALI

ALIMAGNO

AMBASSADOR ROBERTO ROMULO

ARNOLD ALABASTRO

CITY REGIONAL TRIAL COURT JUDGE EMILY REYES

DALE ALIMAGNO

DEL CASTILLO

DEREK RAMSEY

EVERLASTING ST. VERGONVILLE SUBDIVISION

IVAN PADILLA

LAS PI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with