^

Metro

2 holdaper, killer ng bank employee timbog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naaresto na ng pu­lisya kahapon  ang da­lawa sa tatlong suspect na nang-hold-up at pumatay sa isang kawani ng bangko sa Valenzuela City na naganap noong Nobyembre 21 ng taong kasalukuyan.

Nakilala ang mga nadakip na sina Angelo Hilario, 16, ng Matimyas St. at John Lawrence Javier, 17, ng Ber­­­nardino St., kap­wa ng Bgy. Gen. T. de Leon ng nabanggit na  lungsod habang hinahan­ting pa ng pulisya  ang isa pang suspect na si James Lopez ng Mercado St., Valenzuela.

Matatandaan na natagpuang patay sa sakal ang biktimang si Cris Dumo, 22, sa Quintin Demetillo St., Bgy. Gen. T. de Leon dakong alas-7 ng umaga­.

Nabatid na nawawala ang pera at cellphone ng biktima hanggang sa may lumutang na saksi na nagsuplong laban sa mga suspect, na naging dahilan upang magsagawa ng follow-up operation ang mga pulis.

Dakong ala-1:30 kahapon ng hapon nang madakip si Hilario, samantalang alas-5:00 kamakalawa  ng hapon nang madakip si Javier malapit sa kani-kanilang bahay.

 

vuukle comment

ANGELO HILARIO

BGY

CRIS DUMO

JAMES LOPEZ

JOHN LAWRENCE JAVIER

MATIMYAS ST.

MERCADO ST.

QUINTIN DEMETILLO ST.

SHY

VALENZUELA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with