^

Metro

Piskal bugbog-sarado sa ahente ng NBI

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang fiscal ang binugbog umano ng isang ahente ng NBI sa loob mismo ng Hall of Justice sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ayon kay Assistant City Prosecutor Benjamin Samson, ang sumuntok sa kanyan­g mukha ay isa sa 10 kalalakihan na nagpunta sa hall of justice ng alas-11 ng gabi.

May kasama umano ang mga suspect ang mga sinasabing NBI agents na isasailalim sa inquest proceedings pero hindi naman malinaw kung ano ang paglabag ng mga inares­tong mga suspect na dala ng mga ito.

Pero, sinabihan ang NBI agents ng security guards na walang naka-duty na prosecutor sa mga oras na nagpunta sila para magsagawa ng inquest pro­ceedings.

Tiyempo namang sa oras na nabanggit ay dumating si Samson para kunin ang kanyang ticket na naiwan para sa kanyang naka-scheduled na flight.

Nagpakilala umano sa mga ahente si Samson saka pinaliwanag na ang palitan ng inquest fiscal sa gabi ay mula alas-7 ng gabi hanggang alas -11 ng gabi.

Isa sa mga kalalakihan ay isinalarawang may kalakihan ang pangangatawan, nasa 5’7’’ ang taas, nasa edad 30, at may ka­itiman ang balat ang agad na sumuntok at bumugbog kay Samson.

Habang nangyayari ito, ang ibang kasamahan ng suspect ay pina-ikutan naman ang tatlong security guards ng gusali. Matapos nito, agad na umalis ang mga suspect sakay ng kanilang mga sasakyan.

Ang isa sa mga ito ay ang private vehicle na may plakang BEG-961 at ang isa ay government vehicle na may pulang plakang TSM-777.

Ang pangatlong sa­sakyan ay may markang Security­ Management Division NBI.

ASSISTANT CITY PROSECUTOR BENJAMIN SAMSON

AYON

HABANG

HALL OF JUSTICE

ISA

ISANG

MANAGEMENT DIVISION

MATAPOS

QUEZON CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with