^

Metro

Hardware grinanada: 5 sugatan

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lima-katao ang iniulat na nasugatan matapos sumabog ang granada na inihagis ng di-kilalang lalaki sa harapan ng hardware sa bahagi ng EDSA, Cubao, Quezon City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ng Quezon City Police Station 10, kinilala ang mga sugatan na sina Manuel Melano, 26; Niño Espina, 24; Catherine Esquivel, 36; Rommel Simporios, 26; at si Felicidad Orencio, 21, pawang gina­gamot sa East Avenue Medical Center.

Naganap ang pag­sabog sa harap ng Everest­ Lumber Hardware sa Brgy. Immaculate kung saan nabasag ang tatlong bintana sa gawing kanan ng Nafti Transport Bus Liner (TYP-672) at na-flat pa ang gulong nito.

Ayon kay P/Insp. Noel Sublay ng Explosive Ordnance Division, ang pagsabog ay nagdulot ng malalim na uka na sina­sabing may anim na pulgadang diametro.

Narekober sa pinangyarihan ng pagsabog ang safety lever, mga fragments, splintered fragments na bahagi ng metal object.

Kasunod nito, inimbitahan ng pulisya ang tatlong kalalakihang sina William Balasbas, Romeo Madilar at Romnick Intia para isailalim sa imbestigasyon subalit hindi naman itinutu­ring ang mga ito na suspek.

Sinisilip ng pulisya ang naganap na kaguluhan noong Lunes na kinasa­sangkutan ng ilang kalalakihan.

CATHERINE ESQUIVEL

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EXPLOSIVE ORDNANCE DIVISION

FELICIDAD ORENCIO

LUMBER HARDWARE

MANUEL MELANO

NAFTI TRANSPORT BUS LINER

NOEL SUBLAY

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with