^

Metro

‘Tulak’ timbog sa Pasay

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang ‘tulak’ ng droga ang inaresto ng  mga tauhan ng  Station Anti-Illegal Drug Special Operation Task Group (SAIDSOTG) ng Pasay City Police sa  isang  buy-bust operation kamakalawa.

Nakakulong ngayon  ang suspek na  si Ramon Reyes, alyas Nonoy,  44, residente ng Tramo St., Pasay City.

Base sa report, dakong alas-5:00 ng hapon nang magbenta ng droga ang suspek  sa isang pulis na nagpanggap na poseur-buyer sa Tramo St.,  Brgy.  46 Zone 6 ng nasabing lungsod.

Nabatid na nang aktong kinukuha na ng suspek ang perang pinagbilan agad namang dinakma ito ng mga pulis.

Narekober ng pulisya ang  tatlong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at limang pirasong marked money na P500 bills. Inihahanda na ang kaukulang kaso laban dito.

 

vuukle comment

BRGY

DRUG SPECIAL OPERATION TASK GROUP

INIHAHANDA

ISANG

NABATID

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

RAMON REYES

TRAMO ST.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with