3 bata nalitson sa sunog
MANILA, Philippines - Nalitson ang tatlong bata sa sunog na naganap sa may Barangay Holy Spirit sa Commonwealth Avenue, Quezon City, kamakalawa ng gabi.
Sinasabing ang dalawa sa tatlong batang nasunog ay anak ni Danilo Mercado ng nabanggit na lugar.
Sa imbestigasyon ng pulisya, iniwan umano ni Mercado sa kanilang bahay ang dalawang anak na sina Dansing -4 anyos at Danela -7 anyos para bumili ng pagkain na iniwan nitong nakasindi ang kandila sa kanilang tahanan.
Gayunman, laking gulat nito na pagbalik ng bahay ay nagliliyab na ang bahay at hindi na nagawang sagipin ang mga anak dahil sa laki ng apoy .
Mabilis naman umanong kumalat ang apoy sa mga katabing bahay ni Mercado na pawang mga gawa sa light materials dahilan para madamay sa sunog ang bahay ng isa pang nasawing bata na nakilalang si CJ Tubo, 9 -anyos.
Kahapon lamang natagpuan ang sunog na sunog na bangkay ni Tubo. Ayon sa mga kaanak ng biktima, nakalabas na umano ng bahay si Tubo pero bumalik pa ito sa kanilang bahay nang hindi makita sa labas ang kanyang ama.
Sa sunog na ito, may 50 kabahayan ang nilamon ng apoy at hindi bababa sa isang milyon ang halaga ng ari-arian ang natupok sa sunog.
- Latest