^

Metro

Empleyado ng banko, pinatay sa bigti

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang em­pleyado ng banko matapos itong bigtihin  ng isang scarf ng hindi pa kilalang suspek kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Nakilala ang biktima na si Cris Dumo, 22, taga-El Grande Homes, Brgy. Gen. T. De Leon ng nabanggit na  lungsod, computer encoder ng Bank of the Philippine Island (BPI) sa Makati City.

Lumabas sa inisyal na pagsisiyasat ng pulisya, na dakong alas-7:00 ng umaga nang matagpuan ang bangkay ng biktima sa gilid ng Our Lady of Lourdes College sa  Quintin Demitillo St., Brgy. Gen. de Leon ng nabanggit na lungsod.

Nabatid, na  naiwan pa sa leeg ng biktima ang  scarf na ginamit ng suspek sa pagbigti at pagpatay dito.

Ayon sa pahayag ni Nonilong Magalong, Jr., 37, kapitbahay ng biktima, bago natagpuan ang bangkay ng biktima, dakong alas-11:00 kamakalawa ng gabi, duma­ting ito.

Makalipas ang ilang sandali ay sinabihan ni Magalong ang biktima na magsasara na at kung gusto pang uminom ay sa loob na lang ng bahay nito  ituloy. Pumayag naman umano si Dumo.

Ilang saglit lang uminom sa loob ng bahay ni Magalong ay nagpaalam  na ang biktima at sinabing may susunduin lang na kaibigan.

Makalipas ang ilang saglit ay bumalik ang biktima kasama ang kaibigang bakla at muling uminom habang natulog na si Magalong.

Nagulat na lamang si Magalong nang kinaumagahan ay nabalitaan niyang natagpuang patay ang biktima. Inaalam na ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng bakla na huling kasama ni Dumo.

BANK OF THE PHILIPPINE ISLAND

BIKTIMA

BRGY

CRIS DUMO

DE LEON

DUMO

EL GRANDE HOMES

MAGALONG

MAKALIPAS

MAKATI CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with