^

Metro

Solon naaksidente sa SLEX sugatan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sugatan si Agusan del Sur 1st District Rep. Ma. Valen­tina Plaza makaraang sumemplang sa South Luzon Expressway (SLEX) sa bahagi ng Bicutan Exit kahapon ng madaling-araw habang lulan ng isang big bike.

Bagama’t maayos na ang kondisyon ni Plaza sa Makati Medical Center, isinasailalim pa rin ito sa CT Scan at X-ray­ upang matiyak na walang pinsala sa kanyang ulo at sa katawan.

Sa inisyal na ulat, naganap ang aksidente dakong alas-5:30 ng madaling-araw sa north-bound lane ng SLEX malapit sa Bicutan Exit sa may Taguig City.  Lulan si Plaza ng kanyang big bike papasok umano ng Batasan Complex nang sumemplang ito dahil sa hindi pantay na kalsada.

Nabatid na nagsasagawa ng “concrete reblocking” ang kontraktor ng SLEX sa naturang bahagi ngunit hindi naglagay ang mga ito ng “safety equipments at early warning device” para sa mga motorista.

Nakasuot naman ng crash helmet at iba pang pro­tective gear ang 45-anyos na mambabatas ngunit nagtamo pa rin ito ng gasgas sa katawan at bukol sa ulo.  Agad na sinaklolohan ito ng kanyang mga nakasunod na bodyguard na lulan ng isang behikulo.

vuukle comment

AGUSAN

BAGAMA

BATASAN COMPLEX

BICUTAN EXIT

DISTRICT REP

LULAN

MAKATI MEDICAL CENTER

NABATID

NAKASUOT

SOUTH LUZON EXPRESSWAY

TAGUIG CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with