^

Metro

Kelot sapul ng ligaw na bala habang natutulog

Angie dela Cruz, - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nasa kritikal na kondisyon ang isang lalaki matapos itong tamaan ng ligaw na bala habang natutulog sa loob ng kanilang bahay kahapon ng madaling araw sa Pasay City.

Ginagamot sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Ferdinand Cruzin, 56, M. Dela Cruz St., ng nabanggit na lungsod sanhi ng tinamong tama ng bala sa kaliwang bahagi ng mukha buhat sa hindi pa batid na kalibre ng baril.

Samantala, inaalam pa ng pulisya kung sino ang responsable sa pamamaril,  habang hinihintay pa ang resulta ng ballistic examination sa nakuhang bala sa mukha ng biktima.

Lumalabas  sa imbestigasyon ni SPO3 Ronald Frades ng Station Investigation and Detective Management Bureau (SIDMB), Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-2:00 ng madaling araw sa loob ng bahay ng biktima sa nabanggit na lugar.

Ayon sa kasama ng biktima na si Felix Garcia, naka­higa na umano sila ni Cruzin nang makarinig siya ng putok ng baril sa labas ng bahay, makalipas ang ilang segundo ay nakarinig ito  ng malakas na kalabog sa bubungan. Biglang bumalikwas na duguan ang biktima bago nagkikisay sa tindi ng sakit, dahilan upang kaagad itong  dalhin sa nabanggit na ospital.

 

AYON

BIGLANG

DELA CRUZ ST.

FELIX GARCIA

FERDINAND CRUZIN

PASAY CITY

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

PASAY CITY POLICE

RONALD FRADES

STATION INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT BUREAU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with