^

Metro

Nang-agaw ng baril ng escort, tanod na killer ng BDO exec, todas sa pulis

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nabaril at napatay ang barangay tanod na suspect sa panloloob at pagma­saker sa tatlong babae na kinabibilangan ng bank executive, ina nito at kasambahay, matapos mang-agaw ng baril sa kanyang escort na pulis kahapon ng umaga sa Sta. Cruz, Maynila.

Idineklarang patay sa Justice Jose Abad Santos General­ Hospital dakong alas-12:15 ng tanghali kahapon ang barangay tanod na si Nestor Delizalde Jr., 34, nang barilin ng isang tauhan ng Manila Police District-District Police Intelligence Operation Unit (DPIOU) sa noo makaraang mang-agaw ng baril sa escort na si PO3 Michael Pastor.

Sa ulat ni Senior Ins­pector Joey de Ocampo, hepe  ng Manila Police District-Homi­cide Section, dakong alas-11:35 ng umaga­ nang mang­yari ang insidente kung  saan sakay ng MPD-Mobile car ang suspect para sa re­covery operation ng kanyang mga ninakaw sa Sta. Cruz.

Plano na umano ng suspect na mang-agaw na lamang ng baril dahil naiinip siya na tila unti-unti siyang pinapatay kapag isinasama sa recovery operation ng mga miyembro ng homicide section.

“Ayaw daw niya nang ganon, gusto raw niya ma­­­bilisan ayaw daw niya ng parang unti-unting pinapatay kaya sabi niya pag nag-follow-up ulit bukas,  mang-aagaw na  lang siya ng baril,” pahayag ng dalawang nakapiit at kasa­mahan sa selda ni Delizalde na sina Kenneth  Soto at Juvonne Tolentino.

Ani De Ocampo, kasama nila ang DPIOU team sa recovery operation upang hanapin kung saan ipinatago ng suspect ang mga ninakaw niya subalit nang-agaw ng baril ang suspect at nakipambuno pa sa mga pulis hanggang sa mapu­tukan ito sa noo.

Magugunita na nilaslas ni Delizalde ang leeg ng mag-inang Teresa Tan, 65, at anak nitong si Evelyn Tan, 40, na executive sa Banco de Oro (BDO) at ang kanilang kasambahay na si Cristina  Bartolay, 22, pawang residente ng  Yakal St., Sta. Cruz, Maynila noong nakalipas na Lunes.

vuukle comment

ANI DE OCAMPO

CRUZ

DELIZALDE

EVELYN TAN

JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL

JUVONNE TOLENTINO

MANILA POLICE DISTRICT-DISTRICT POLICE INTELLIGENCE OPERATION UNIT

MANILA POLICE DISTRICT-HOMI

MAYNILA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with