^

Metro

Nagpi-facebook todas

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang isang 34-anyos na taxi driver nang barilin sa ulo sa loob ng internet shop, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Hindi na umabot ng buhay  sa Jose Reyes Memorial Me­dical Center (JRMMC)  ang biktimang si Joseph Ypon,  ng Buil­ding 16, Unit 116 Katuparan, Tondo, Maynila bunga ng tinamong bala  sa katawan.

Dalawang lalaki umano ang suspect na sakay ng di napla­kahang motorsiklo ang mabilis na tumakas matapos ang pamamaril. Sinasabing nakasuot ng itim na jacket, kulay brown na shortpants at  ng helmet  ang gunman na armado ng di nabatid na kalibre ng baril.

Sa ulat ni SPO2 Glenzor Vallejo ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa loob ng Damache computer shop sa Building 15, Unit 119, Vitas Katuparan, Tondo.

Habang abala umano sa pagpi-facebook ang biktima ay dumating ang mga suspect na riding in tandem, bumaba ang backride na nakahelmet, at nang makita ang biktima ay binaril sa ulo, bago bumalik sa motorsiklo at tumakas. Iniimbesigahan pa ang insidente.

 

vuukle comment

BUIL

DALAWANG

DAMACHE

GLENZOR VALLEJO

JOSE REYES MEMORIAL ME

JOSEPH YPON

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

MAYNILA

VITAS KATUPARAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with