^

Metro

’Di pinag-shabu, kuya dinedo ni bunso!

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dahil hindi umano pinayagang makapag-shabu, isang 49-anyos na lalaki ang sinaksak at napatay ng kanyang bunsong kapatid sa Marikina City, kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Volbaxter delos Reyes, 49, residente ng 167 Malaya St., Brgy. Malanday, Marikina City.

Arestado naman ang suspek na si Oliver delos Reyes, 39, umano’y mental patient.

Sa imbestigasyon nina SPO1 Aladin Alengas, P02 Rodrigo Febreo Jr. at P02 Aniano Aguado, ng Marikina Police, dakong 10:45 ng umaga nang mangyari ang insidente sa loob ng bahay ng mga delos Reyes.

Ayon sa suspek, pinagdadamutan umano siya ng kanyang kuya na mag-shabu at habang bumabatak ito ay madalas din umano siyang pagtripan at takutin na sasaksakin.

Nabatid na nang maganap ang krimen ay muli umano siyang pinagti-tripan ng biktima kaya’t inagaw niya ang patalim nito at saka ito sinaksak sa dibdib.

Tinangka pa umanong awatin ng kanilang ina na si Angelita, 76, ang magkapatid ngunit maging ito ay nasugatan sa kamay.

Base sa rekord ng pu­lisya, ang suspek ay ma­tagal ng pasyente sa National Mental Hospital sa Mandaluyong City at sumasailalim sa buwanang check-up.

Hinala ng awtoridad na posibleng inatake ng kanyang sakit ang suspek kaya nagawa nito ang krimen.

Sa kabila naman nito ay humingi ng paumanhin ang suspek sa kanyang ina at kapatid, ngunit sinabing hindi umano niya pinagsisisihan ang krimen dahil matagal na siyang inaapi ng kanyang kuya.

Kasalukuyan nang nakapiit ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong “parricide” bago ilipat sa mental hospital.

 

ALADIN ALENGAS

ANGELITA

ANIANO AGUADO

MALAYA ST.

MANDALUYONG CITY

MARIKINA CITY

MARIKINA POLICE

NATIONAL MENTAL HOSPITAL

REYES

RODRIGO FEBREO JR.

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with