^

Metro

Dahil hindi nagbigay ng pera: 9-anyos ginulpi, napatay ng 11-anyos

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bangkay na nang iahon sa isang hukay na puno ng tubig sa loob ng isang construction area ang isang 9-anyos na paslit makaraang itulak ng isang 11-anyos na batang lalaki na nangikil sa una, kamakalawa ng hapon sa Taguig City.

Dakong alas-10 kama­kalawa ng umaga nang ma­iahon ang bangkay ng biktimang itinago sa alyas na “KS”, residente ng Mini Park, Fort Bonifacio, sa ma­lalim na hukay sa loob ng HI Build construction area sa may 26th Street, The Fort, Fort Bonifacio, ng naturang lungsod.

Nasa kustodiya na nga­yon ng Department of Social Welfare and Development-Taguig ang suspek na itinago sa alyas na “SR”, residente ng Sta. Ana, Pateros.

Sa ulat ng Taguig City Police, nabatid na naglalaro sa loob ng naturang cons­truction site ang biktima at isa pang batang lalaki na si JB  dakong alas-12:45 ng hapon nang dumating ang suspek at isa pang hindi nakilalang kasamahang bata rin saka kinikilan ng pera ang dalawa.

Nang tumanggi ang da­lawa, ginulpi sila ng mga nagsisiga-sigaan na bata hanggang sa itulak ng suspek na si SR ang nasawing si KS sa hukay na puno ng tubig habang nagawang makatakbo ni JB.

Nagawa lamang ma­ilahad ni JB ang nangyari sa biktima nang magtungo sa kanilang bahay ang mga magulang nito nang hindi umuwi ng da­lawang araw si KS. Mabilis na humingi ng saklolo ang mga magulang ng biktima sa mga opisyal ng barangay at Fort Bonifacio Police Community Precinct (PCP) na siyang sumisid sa naturang hukay sa naturang construction site kaya nagawang marekober ang bangkay ng paslit.

Agad na tinungo ng mga awtoridad ang bahay ng suspek na kusang-loob namang isinuko ng mga magulang nito.

Nakatakdang sampahan ngayon ng kasong sibil ng mga magulang ng nasawing paslit ang mga magulang naman ng suspek na bata habang iniimbestigahan na ng Taguig City Police ang ope­rator at may-ari ng construction site dahil sa posib­leng kapabayaan at pana­nagutan sa naturang krimen.

BANGKAY

DAKONG

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT-TAGUIG

FORT BONIFACIO

FORT BONIFACIO POLICE COMMUNITY PRECINCT

MINI PARK

SHY

TAGUIG CITY

TAGUIG CITY POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with