^

Metro

Miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, pinatay sa bigti

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang miyembro ng no­torious na “Sigue-Sigue Sputnik” gang na pinaniniwalaang pinatay sa bigti ang natagpuan sa isang bakanteng lote sa lungsod Quezon kahapon ng umaga.

Ayon sa pulisya, nasa pa­gitan ng 25-30-anyos, may taas na 5’4’’, balingkinitan at nakasuot ng itim na t-shirt at kulay pulang short pants ang biktima. Maaari rin anyang pinatay sa bigti ang biktima dahil sa nakitang marka sa palibot ng kanyang leeg.

Sinasabing natagpuan ang katawan ng biktima ganap na alas-5:30 ng umaga sa bakanteng lote sa kahabaan ng Pall Mall St., sa Brgy. East Fairview.

Nagpapatrulya ang mga tropa ng barangay tanod sa lugar nang isang residente ang nagpabatid sa kanila hinggil sa nakitang bangkay sa lugar.

vuukle comment

AYON

BRGY

EAST FAIRVIEW

ISANG

MAAARI

NAGPAPATRULYA

PALL MALL ST.

QUEZON

SIGUE-SIGUE SPUTNIK

SINASABING

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with