^

Metro

Trader na nagpakain ng pera sa kahera, dinakip

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines -  Nasa kamay na ng  pulisya ang  isang  laundry shop owner na dinakip matapos na humingi ng tulong kay Manila Mayor Alfredo Lim  ang isang kahera na pinakain umano ng pera ng  una sa Maynila. Hanggang sa ngayon ay hindi pa nakakapagpiyansa  si  John Paul Encinas, 27, na ngayon  ay nasa General Assignment Section ng Manila Police  District matapos na ireklamo ng unjust vexation, slight physical injury at slander by deeds ng kaherang si Marjorie Reynaldo, kahera sa isang kainan sa may P. Ocampo St., Taft Avenue, Maynila.

 Nag-ugat ang reklamo ni Reynaldo nang singilin nito  si Encinas sa kanyang kinain. Sinabihan umano ni Encinas si Reynaldo na maghintay at kukunin lamang nito sa  kotse ang kanyang pera. Makalipas ang ilang oras ay bumalik si Encinas at humingi pa ng tubig sa biktima. Dito na muli tinanong ni  Reynaldo ang bayad ni Encinas sa kanyang  kinain na ikinagalit ng  huli. Binuhusan ni  Encinas ng tubig si Reynaldo, hinila ang  t-shirt at muling binato ng mineral water at saka dumukot ng pambayad at pinakain sa biktima.

 Sinabi naman ni Angel Macario, kasamahan ni Reynaldo na tinangka niyang pigilan si Encinas pero itinuloy pa rin nito ang pagpapakain ng pera kay Reynaldo na napangiwi pa sa CCTV video. Ayon naman sa ilang nakasaksi sa insidente, tinarayan ng kahera si Encinas kaya napikon ito na nagresulta sa sinasabing pananakit ng negosyante.

ANGEL MACARIO

ENCINAS

GENERAL ASSIGNMENT SECTION

JOHN PAUL ENCINAS

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE

MARJORIE REYNALDO

MAYNILA

REYNALDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with