^

Metro

Sekyu todas, 1 pa sugatan sa pamangkin ni Gen. Abaya

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Isang security guard ang patay habang isa pa ang su­­gatan makaraang ba­rilin ang mga ito ng uma­no’y pamangkin ng reti­ra­dong hepe ng Armed For­ces of the Phi­lippines (AFP) na si Chief of Staff Narciso Abaya sa kanilang bahay sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ni PO3 Loreto Tigno ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police ang suspect na si Jose Abaya, 47, residente ng No. 3 Kingfisher St., Greenmeadows, Bgy. Ugong, Quezon City.

Kinumpirma ni Tigno na ang tatay ni Jose ay ang na­mayapang Philippine Cons­tabulary general na si Antonio Abaya na kapatid ng nagretirong AFP General na si Narciso Abaya.

Binaril ni Jose ang se­curity guard na si Roger Bi­quit, 27, na agad na nasawi at iki­nasugat naman ni Ri­chard Reyes, 37, habang ti­natangkang pabalikin ng mga biktima ang suspect sa drug rehabilitation center kung saan siya tumakas ilang buwan ang nakararaan.

Sabi ni Tigno, nangyari ang pamamaril ganap na alas-5 ng hapon sa loob ng bahay ni Jose.

Sina Biquit at Reyes ay mga security personnel ng Silvercreast drug rehabilitation center kung kaya sinundo nila si Jose para ibalik sa nasabing center.

Pero armado si Jose ng kalibre .357 pistol ng ka­ni­lang puntahan sa bahay.

Sa nasabing insidente, agad na nasawi si Biquit sanhi ng tama ng bala sa dibdib at kamay. Habang si Reyes ay nagalusan naman ng bala sa kaliwang paa at itinakbo sa Medical City para malapatan ng lunas.

Nabatid ni Tigno sa pa­milya ng suspect na si Jose ay paulit-ulit na may problema sa droga at dati ng la­bas-masok sa rehabilitation centers sa loob ng 13 taon.

Nitong nakaraang Hulyo, nakumpirma ng pamilya ni Jose na ito ay tumakas mula sa rehabilitation center at bumalik ng bahay.

Ayon kay Tigno, gusto ng ina ni Jose na ibalik ito sa  rehabilitation center  kung kaya’t tumawag ito doon.

Sa pahayag naman ni Jose sa pulisya, may big­lang dumamba sa kanyang dalawang lalaki.

Buong akala niya ay may mga nanghimasok sa kanilang bahay kaya mabilis niyang hinugot ang kan­yang baril at sinimulang pag­babarilin ang mga taong dumamba sa kanya.

ANTONIO ABAYA

ARMED FOR

CHIEF OF STAFF NARCISO ABAYA

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETECTION UNIT

JOSE

JOSE ABAYA

KINGFISHER ST.

REYES

SHY

TIGNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with