MANILA, Philippines - Kaalinsabay ng ika-73 taong founding anniversary ng Quezon City, bibigyan ng 50 percent discount ang mga taga-lungsod na manood ng sine sa mga SM malls at mga sinehang miyembro ng National Cinema Association of the Philippines (NCAP) sa October 12, Biyernes.
Ayon kay Aldrin C. Cuña, chief of staff ni QC Mayor Herbert Bautista, ang lokal na pamahalaan ay nakipag-ugnayan sa NCAP para sa pagkakaloob ng naturang discount sa mga sinehan sa mga taga-lungsod.
Para makakuha ng 50 percent discount sa sine, kailangang magpakita ang isang indibiduwal ng valid ID na nagpapatunay na siya ay taga-QC.
Ang discounted movie pass ay para sa mga regular 35 MM movies at hindi kasama ang mga pelikulang ipinalalabas sa IMAX theatres kabilang ang mga 3D movies.
Ilan sa mga sinehan na NCAP members sa lungsod ay ang SM mall chain sa Fairview, Centerpoint, North at Cubao gayundin sa Trinoma, Eastwood, Gateway, Ali Mall, Waltermart at Robinson’s Fairview.