^

Metro

Ret. police, 2 pang 'pulis-pulisan', timbog sa holdap

- Ricky ­Tulipat - The Philippine Star

MANILA, Philippines - Timbog ang isang retiradong pulis at dalawang kasamahan nito matapos na umano’y holdapin at molestiyahin ang isang babaeng vendor sa lungsod Quezon, iniulat kahapon.

Kinilala ang mga na­dakip na sina Jaime Albao, 54, retired policeman; Jay-R­ Baguise, 41; at Joseph Villa­mor, 22.

Sila ay inaresto base sa reklamo ng biktimang si Eleonor Parrocha, 31, ng Malabito St., Brgy. Ka­unlaran, sa lungsod.

Nabatid na naka­uniporme pa ng pulis si Albao nang madakip.

Nangyari ang pagkaka-aresto matapos na magkunwaring mga pulis ang mga suspect at pinara ang isang pampasaherong jeepney sakay ang biktima dakong alas-11 ng umaga.

Kasunod nito ay kinuha ng mga suspect ang biktima at isinakay sa kulay silver gray na Mitsubishi Adventure (XGS-795).

Sa loob ng nasabing sa­sakyan ay kinuha ng mga suspect ang pera at gamit ng biktima. Hindi pa nakuntento ay pinaghubad pa ng mga suspect ang biktima saka minolestiya sa pamamagitan ng paghawak sa maseselang parte ng katawan.

Matapos ito, nagpasya ang mga suspect na pakawalan ang biktima na agad namang dumulog sa ba­rangay hanggang sa himpilan ng pulisya at humingi ng saklolo.

Agad namang rumes­ponde ang pulisya kung saan natiyempuhan ang mga suspect malapit sa lugar­ at inaresto ang mga ito.

Narekober sa mga suspect ang isang kalibre 45 baril, IDs ng PNP, PNP badge, PNP athletic uniform, dalawang patalim, limang cellphones, iba’t ibang uri ng IDs; ATM cards at P600 na pag-aari ng biktima.

vuukle comment

ALBAO

BAGUISE

ELEONOR PARROCHA

JAIME ALBAO

JOSEPH VILLA

MALABITO ST.

MITSUBISHI ADVENTURE

SHY

SUSPECT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with