Caloocan City police may bagong hepe

MANILA, Philippines - Bago na ang hepe ng Caloocan City police matapos magretiro ang dating hepe dito kahapon.

Si Senior Supt. Rimas Calixto ang itinalagang bagong hepe matapos magretiro si Senior Supt. Jude Santos sa isinagawang turn-over cere­mony kahapon dakong alas-11:00 ng umaga sa Caloocan City Police Headquarter sa Samson Road ng nabanggit na siyudad.

Pagtutuunan ng pansin ng bagong hepe ang ibayong pagresolba ng mga krimeng nagaganap sa lungsod ng Caloocan.

Si Rimas ay galing sa Mimaropa bilang hepe ng Logistic.

Show comments