Ninakawan na, pinatay pa sa bugbog

MANILA, Philippines - Ninakawan na, pinatay pa sa gulpi ang isang lasing na binata ng hindi pa nakikilalang mga suspek kahapon ng umaga sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Jommar Acosta, 22, ng Brgy. Potrero, Malabon City.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Valenzuela City Police at inaalam pa ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Sa pagsisiyasat ng pulisya, dakong alas-7:00 ng umaga nang makita ang biktima na nakaupo malapit sa isang gasoline station sa East Service Road, Paso De Blas ng nabanggit na lungsod nang lapitan ng ilang saksi ay nakitang maga ang mukha ng biktima na naging dahilan upang tumawag ng ambulansiya at dinala sa nabanggit na ospital, subalit hindi na umabot ng buhay.

Lumalabas na kasama ng biktima ang kasamahan na si Remark Navarro at inabot ng umaga ang mga ito sa inuman. Wala na rin ang wallet at cellphone ng biktima na sina­sabing tinangay ng mga suspek matapos itong bugbugin.

Show comments