MANILA, Philippines - Natimbog ng pinagsanib ng puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at National Bureau of Investigation (NBI) ang lider ng notoryus na drug syndicate at itinuring na no. 2 sa most wanted drug pusher sa Cotabato City matapos isagawa ang pagsalakay sa kanyang lungga rito, ayon sa ulat kahapon.
Sa ulat na nakarating kay PDEA Director General Jose S. Gutierrez, Jr., nakilala ang suspect na si Efren Juan, 32, negosyante at lider ng ‘Efren Juan Drug Group’ at Purok 4, Rizal Street, Centro Northeast, Solana, Cagayan.
Si Juan ay naaresto ng tropa ng PDEA Regional Office 2 (PDEA RO2) sa pamumuno ni Director Juvenal Azurin at NBI Cagayan Valley Regional Office sa pamamagitan ng search warrant ganap na alas-9 ng umaga.
Nakumpiska ng mga ahente ng PDEA sa bahay ng suspect ang 26 na piraso ng plastic sachets ng shabu, isang shoulder bag na naglalaman ng ilang piraso ng plastic sachet na walang laman, at isang cellular phone na ginagamit nito sa kanyang iligal na transaksyon.