^

Metro

4 tiklo sa pagbebenta ng sex toys, enhancer

Nina - Doris Borja, Joy Cantos - The Philippine Star

 MANILA, Philippines - Apat katao ang dinakip ng mga tauhan ng  Manila Police District (MPD) Station 3 matapos na mahuli sa aktong nagbebenta  ng mga sex toys at sex enhancers­ at salakayin  ang mga  tindahan  sa bangketa sa Maynila.

Ayon kay Sr. Insp. Joselito Von Possel­, hepe ng PCP Plaza Miranda sina Lee Sarif, Kamal Gaosilin,Taha Tani  at isang menor-de-edad ay dinakip dakong alas-2:30 ng hapon sa Rizal Ave., Quiapo at Sta. Cruz sa Maynila. Nakatakdang sampahan ng Immoral Doctrine, Obscene subjection and incident show ang apat.

Sinabi ni  Von Possel na mapanganib sa kalusugan ang mga  ibinebentang sex toys at sex enhancers sa bangketa dahil hindi naman ito dumaan sa prescription ng doctor.

“Yang tablet na ’yan na sinasabing pampatigas, eh baka iba ang tumigas sa kanila dahil walang reseta ng doktor at hindi naman magrereseta ang doktor ng gamot na sa bangketa mo mabibili,” dagdag pa ni Von Possel.

Samantala, kahapon ay inutos ni National Capital Region Police Office (NCRPO) Director P/Chief Supt. Leo­nardo Espina ang malawakang crackdown laban sa mga naglipanang ‘sex toys’ sa Metro Manila.

Aniya, ang nasabing mga “sex toys” ay mga plastic umano at hindi “silicon” na delikadong gamitin dahilan nakaka­impeksyon ito at nakaka-allergy sa mga indibidwal na gagamit nito.

Base pa sa impormasyon, mabentang-mabenta ang mga “sex toys” lalo na sa mga kalalakihan dahil mura umano ang presyo nito pero delikado naman sa kalusugan, ayon pa sa opisyal.

Kabilang sa nasabing mga sex toys ay ang mga “fucked dolls”, dildo, sex ring, vibrator at iba pa umano na ibine­benta ng mga vendors sa komersyal na distrito ng Metro Manila partikular na sa Quiapo, Sta. Cruz, Divisoria sa lungsod ng Maynila, Baclaran sa Parañaque City at iba pa. 

vuukle comment

CHIEF SUPT

CRUZ

DIRECTOR P

IMMORAL DOCTRINE

MAYNILA

METRO MANILA

SEX

VON POSSEL

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with